TATLO ang nasawi at apat ang patuloy pang ginagamot nang makaranas ng diarrhea sa Purok 10, Sitio Balon, BarangayTigatto, Davao City.
Kinilala ang mga namatay na sina Eduardo Edica, 61 anyos, purok leader; mga pamangkin nito na sina Jesus Olarte, 47; at Jemvie Rafallo, 31, pawang residente ng naturang lugar.
Inihayag ni Zafero Vernon Mellana, sanitary inspector ng Davao City Health Office, na malapit lamang sa kubeta at kulungan ng baboy ang dalawang balon at isang poso ng tubig na siyang posibleng dahilan ng water contamination.
Samantala, ayaw maniwala ni Rosa Edico, asawa ng namatay na purok leader, na tubig sa balon at poso ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang asawa.
Sinabi nito na malaki ang kanyang paniniwala na posibleng nilason ang mga biktima.
Ikinatwiran nito na iisa lamang ang water source ng mga residente pero bakit ang kanilang pamilya lamang ang naging biktima.
Sa ngayon, hinihintay pa ang resulta ng water samples upang makumpirma ang dahilan ng naturang pangyayari.
Kaagad namang ipinagbawal ng barangay na gamitin ng mga residente ang naturang water source upang maiwasan na madagdagan pa ang mga biktima.
The post 3 patay, ilan naospital sa ‘pagtatae’ sa Davao appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: