UMANI ng paghanga sa social media ang 25-anyos na babaeng estudyante nang alagaan at gawing pet nito ang isang ordinaryong baboy sa Barangay Jawili, Tangalan, Aklan.
Ibinahagi ni Febbie Rose Tumbagahan, residente ng naturang lugar at may-ari ng baboy na pinangalanang “Babe”, na halos tumigil na ang biik sa paghinga nang isilang ng kanyang inahin, subali’t sinubukan niyang sagipin ang buhay sa pamamagitan ng mouth-to-mouth resuscitation.
Ito aniya ang unang pagkakataon na binigyan niya ng mouth-to-mouth ang kahit anong nabubuhay na hayop.
Pinapainom niya ito ng tubig na may halong asukal gamit ang beberon hanggang sa lumaki.
Sa kasalukuyan, halos apat na buwan gulang na at may timbang na 30 kilos ang baboy na si Babe.
Sinabi ni Tumbagahan na nakahiligan rin niya ang pag-aalaga ng iba’t ibang hayop kagaya ng aso, ngunit kakaiba ngayon dahil isang baboy ang kanyang kasa-kasama sa pagtulog, pamamasyal sa dagat at pagpapakain sa iba pang mga alaga
The post Biik iniligtas sa mouth-to-mouth resuscitation ginawang pet, kasama sa pagtulog appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: