AGAW-PANSIN ang tatlong magkakapatid dahil sa asul na kulay ng kanilang mga mata kahit hindi dayuhan ang kanilang mga magulang sa Zamboanga del Norte .
Magkaiba ang kulay ng mga mata nina AJ at Daisy Louie na isang dark brown at isang asul.
Pero ang bunso nilang kapatid na si Noah parehong asul ang mga mata.
Ang kanilang ina na si Elizabeth Catubay, hindi rin malaman kung bakit kulay asul ang mga mata ng mga anak na normal naman daw ang mga paningin.
Mayroon pang isang anak si Elizabeth na parehong dark brown naman ang mga mata.
Ayon sa pag-aaral, walo hanggang 10 porsiyento lang ng populasyon sa mundo ang may asul na mga mata kaya natatangi kung tutuusin ang magkakapatid.
Tinatawag na ‘Heterochroma Iridis’ ang kondisyon ng magkakapatid.
“Kaya siya blue eyes, kasi nagkulang ‘yung melanin pigments doon sa iris nila,” paliwanag ni Dr. Leo Cubillan ng Philippine Eye Research Institute.
Gayunman, hindi maiwasan na mapagdiskitahan ng ilang bata ang magkakapatid. Tulad ni AJ na minsan na sinaktan ng ilang kabataan dahil nais daw na gawing parehong itim ang kaniyang mga mata.
The post Magkakapatid asul ang mga mata appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: