Facebook

NBA: Suns coach Monty Williams hinirang na coach of the year

HINIRANG ng National Basketball Coaches Association si Phoenix Suns head coach Monty Williams bilang Coach of the Year.
Ang award ay matapos ang ginanap na botohan ng 30 mga head coaches ng liga.
Sinasabing malaking achievement ang ginawa ni Williams upang buhayin ang dating kulelat na Phoenix at ngayon ay nagtapos na number 2 sa Western Conference matapos ang regular season.
Nadala rin niya ang prangkisa sa unang Pacific Division title na ang huling nangyari ay noon pang taong 2007.
Liban nito, itinuturing din ang Suns sa isa sa apat na mga NBA teams na napabilang sa Top 10 sa defense (6th) at number 7 naman sa galing sa opensa nga-yong season.
Kaugnay nito, todo ang pasasalamat ni coach Williams sa mga players, coaching staff at buong organisasyon ng Suns.
Samantala sa unang game kahapon ng play-in round, nakabuwena mano ng panalo ang Pacers laban sa Charlotte Hornets, 144-117.

The post NBA: Suns coach Monty Williams hinirang na coach of the year appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
NBA: Suns coach Monty Williams hinirang na coach of the year NBA: Suns coach Monty Williams hinirang na coach of the year Reviewed by misfitgympal on Mayo 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.