NAGBOLAHAN lang sina Pangulong Rody Duterte at dating Senate President Juan Ponce Enrile sa isyu ng West Philippine Sea (WPS) noong Lunes ng gabi, Mayo 17.
Halata naman na sumisipsip lang si Enrile kay Digong para siguro hindi makalkal ang natutulog niyang kaso na Plunder sa Sandiganbayan.
Sa higit isang oras nilang pag-uusap sa harap ng kamera sa lingguhang ‘public address’ ni Duterte, walang maipakitang ebidensiya si Enrile sa sinasabi niyang “secret deal” nang makipag-usap si noo’y Senador Antonio Trillanes sa Chinese gov’t. sa girian ng Philippine Navy at Chinese warships sa Scarborough Shoal sa WPS noong 2012 under PNoy administration.
Nag-iwan pa ng katanungan si Enrile: “Of the senators who were incumbent the time, why was Trillanes selected as the negotiator for Aquino and where did Trillanes got the influence over some authorities in Beijing those days?”
Simple lang ang naging sagot dito ni Trillanes: “Why did appoint me as negotiator? Because he (President Aquino) found me trustworthy unlike Enrile.
‘Wag nyo ibahin ang usapan, wala sa Scarborough ang problema. Nalutas na ni PNoy ‘yun. Wala nang mga barko ng China sa loob noon. Wala ring reclamation doon. Nasa Spratylys ngayon ang problema na ayaw harapin ni Duterte,” diin ni Trillanes.
Si Trillanes nga ang inatasan noon ni PNoy na makipag-usap ng sekreto sa Chinese gov’t. para kumalma ang girian ng ating Navy at Chinese Navy sa Scarborough Shoal.
Naging matagumpay ang misyon ni Trillanes. Unang umatras ang ating Navy at kalaunan ay umalis din ang Chinese Navy. Walang nangyaring bakbakan sa Scarborough, walang naitayong istraktura ang China, at wala nang Chinese vessels sa lugar hanggang ngayon.
Nagsimula noon ang girian ng ating Navy at China sa Scarborough Shoal nang arestuhin ng ating coast guard ang mga nangingisdang Chinese sa bahura. Sumaklolo ang Chinese military ships at nagkaroon ng standoff ng ilang linggo.
Inatasan ni PNoy si Trillanes na makipag-usap sa China at humingi rin ng tulong sa Amerika. Matiwasay na naresolba ang problema sa Scarborough Shoal.
Upang hindi na maulit ang pagnanakaw ng Chinese sa ating mga yaman dagat sa WPS, inakyat ng Pilipinas sa United Nation Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ang usapin para malaman kung sino lang ang may legal rights sa mga pinag-aagawang isla at bahura sa WPS, kungsaan nagtatayo na noon ng military base ang China.
Lumabas ang desisyon ng tribyunal Hulyo 12, 2016, isang buwan pagkaupo ng Duterte administration, pabor sa Pilipinas. Pero hindi ito kinilala ng China.
Lalo pang lumakas ang loob ng China nang ianunsyo ni Duterte na pinapayagan niyang mangisda ang mga Intsik sa WPS at “piece of paper” lang para sa kanya award sa Pilipinas ng tribyunal. Dumagsa ang mga barko ng China sa Spratlys. Na-bully ang mga mangingisdang Pinoy sa erya. Hinaharang sila, tinataboy at pag minalas-malas ay sinasagasaan. Dedma lang ito kay Duterte.
Kung tutuusin hindi kailangan ni Duterte ang mga statement ng 97-anyos na Enrile sa isyung ito. Yes! Kaibigan ni Duterte si Xi Jingping. Bakit hindi niya tanungin ang head of state na ito ng China kung ano ang mga naging deal nila noon ni Trillanes.
Si Enrile ay wala nang kridibilidad. Buking na siyang mananahi ng kuwento at traidor. Trinaidor niya nga ang kamag-anak niyang si late Pres. Ferdinand Marcos, at utak din siya ng maraming kudeta laban kay late Pres. Cory Aquino noon.
Sa edad ni Enrile na nakalalaya lang sa piyansa sa kasong Plunder sa Sandiganbayan, wala nang gagawin ito kundi ang su-mipsip sa kung sino ang Pangulo ng Pilipinas para hindi siya maibalik sa kulungan. Mismo!
The post Nagbolahan lang sina Digong at Juan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: