MAKARAAN nating tukuyin ang unholy alliance ng mga barangay kapitan ng Baguio City at ang mga nagsulputang mga sugalan sa siyudad ni Mayor Benjie Magalong,nag-aantay na lamang tayo ng aksyon ng mabunying alkalde.
Kilala natin ang buong pagkatao nitong si Magalong lalo na noon ito pa ay nasa serbisyo ng pulisya.
Maprinsipyo ito at laging ipinaglalaban ang tama.
Ewan lamang natin kung tuluyan na nga bang nilamon ng mali at masamang sistema ang Benjie Magalong na ating nirerespeto at hinahangaan.
Ang direktang involvement ng kanyang mga barangay kapitan sa nga pasugalan nina alyas PATRICK at NESTOR dyan sa Baguio City ay mabigat na kasalan tantamount sa paghuhudas sa kanilang sinumpaang tungkulin.
Ang ibinulgar natin kutsabahan ni Barangay Kayang Kapitan Biagtan at ng gambling operator na si alyas Nestor ay naghihintay ng aksyon ni Mayor Magalong at ng DILG at ng kapulisan ng Baguio City.
Ngayon ngang si Gen.Eleazar na ang nakaupong hepe ng pambansang kapulisan,marapat sigurong maglagay na si Eleazar ng isang matapang at may bayag na City Director ng PNP Baguio na kayang hulihin ang mga nagtitigas-tigasang mga kapitan ng barangay na nagtatampisaw sa iligal na sugal.
Kung namamalahibo at nakokompromiso si Col.Allen Rae Co,ang nakaupong City Director ng Baguio PNP, wala itong karapatang magtagal at manatili pa sa poder.
Kung ang mga katulad ng kupal na si alyas PATRICK at NESTOR ay di kayang arestuhin sa kabila ng lantarang pagmimintine ng mga sugalan,sadyang naging malatuba na nga at inutil itong si Col.Co.
Locations ng mga sugalang ito ng supot na si PATRICK ay imposibleng malihim sa mga kapulisan ng Baguio.
Regular ngang pasyalan ito ng mga regular na bagman ng kapulisan para kumulekta ng intelehensiya.
Di ba Kapitan Oldak at Andy?
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post Sugalan sa Baguio City Part 2 appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: