Facebook

Bong Go: TODA, transport workers prayoridad sa babakunahan

TINIYAK ni Senator Christopher “Bong” Go sa sektor ng transportasyon, partikular sa trycicle operators at drivers na prayoridad ang nasabing hanay sa mga mababakunahan, kapag umusad na sa A4 at A5 priority groups ang vaccine rollout ng pamahalaan..

Nagtungo si Sen. Go sa Laguna ay pinangunahan ang pamamahagi ng ayuda sa tinatayang 1,407 TODA members sa Brgy. Bulilan Sur, bayan ng Pila.

Sinabi ni Go na dahil sa patuloy na krisis sanhi ng COVID-19, naapektuhan ang kabuhayan ng mga essential workers na kinabibilangan ng public transportation sector.

Ngnit siniguro ng senador na ginagawa lahat ng pamahalaan ang makakaya nito upang mapalawak pa ang vaccine rollout, matugunan ang hamon ng pandemya at maibalik na sa normal ang sitwasyon sa bansa.

Muling nanawagan si Go sa mga kinauukulan na buksan na ang vaccine rollout sa A4 at A5 priority groups para mapabilis ang delivery ng COVID-19 vaccines sa mahihirap at vulnerable sectors, kasama na ang TODA members na nasa hanay ng A4 category.

“Sabi ko nga sana pwedeng payagan na ang A4 list… importante dito walang masayang dahil may ibang A1, A2, A3 na ayaw pa nila magpabakuna. Pwede namang balikan na lang sila,” ayon kay Go.

“Importante ay walang masayang na bakuna, walang ma-expire, walang masayang na panahon, habulan po ito para makamit ang herd immunity this year. ‘Yun ang target natin, ma-attain ang herd immunity para naman po sumaya ang ating Pasko,” idinagdag niya.

Suportado ni Go ang “Focus and Expand–Center of Gravity” vaccination strategy kung saan ay kabilang ang Laguna sa mga itinuturing na critical areas.

Ang estratehiya ay pagpopokus ng pamahalaan sa inoculation program sa nine high-risk areas – ang National Capital Region, mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Pampanga, at Batangas; at sa urban agglomerations ng Metro Cebu at Metro Davao.

“Ang essential sectors o A4 category, kasama na diyan ang economic frontliners, ay napakaimportante upang mabalanse lalo ang pagprotekta sa kalusugan at pagpapasigla ng ating ekonomiya. Tulad din ng pangako namin ni Pangulong Duterte, sisiguraduhin nating makakarating ang bakuna sa mga mahihirap… ito ang A5 category kung saan nabibilang ang mga indigent,” ang naunanang pahayag ni Go.

“Ang bakuna ang susi o solusyon upang malampasan ang pandemyang ito at makabalik tayo sa normal na pamumuhay,” idiniin niya.

Bago umayuda sa mga kasapi ng TODA, pinangunahan muna ni Senator Go ang inagurasyon ng ika-113 Malasakit Center sa San Pablo City. (PFT Team)

The post Bong Go: TODA, transport workers prayoridad sa babakunahan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go: TODA, transport workers prayoridad sa babakunahan Bong Go: TODA, transport workers prayoridad sa babakunahan Reviewed by misfitgympal on Mayo 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.