MULING Muling nagisa sa Mataas na Kapulungan si Sen Manny Pacquiao sa kanyang panukala na magtatag ng Philippine Boxing and Combat Sports Commission.
Noong 2017 ay halos nautal ang mambabatas na boksingero sa pagdepensa ng kanyang suhestiyon sa pagkakaroon ng bagong ahensya ng pamahalaan. Hindi siya tinantanan sa pagtatanong sa plenary ni Sen. Franklin Drilon.
Naipasa ito matapos ang ilang amyenda pero walang counterpart sa Mababang Kapulungan kaya hindi naisabatas.
Nai-file muli ng asawa ni Jinkee ang bill nguni’t si Sen Pia Cayetano naman ang nag-grill sa kanya.
“Bakit daw bibigyan ito ng prayoridad sa panahon ng pandemya?” tanong ng senador mula sa Taguig.“Yung allocation nitong P150M ay mas mainam na gastusin na lamang na pambili ng bakuna kontra Covid,” dagdag pa niya.
Aba’y mas malaki pa ito sa taunang budget ng Games and Amusements Board na kasama ang boxing na pinangangasiwaan.
Ang sagot ni Pacquiao ay panimulang pondo lamang ito ay hindi ganito kalaki ang annual na kailangan.
Ang dami raw na boksingero na namatay o nagretiro na walang nakuhang karampatang ayuda.
Pero kailangan ba talaga isang opisina para dito o need lang na palakasin ang GAB upang matugunan ang problema.
Eka nga ni Ka Berong ay pampa-bloat lang ito ng bureaucracy.
Dapat kumuha lang ng mga mahuhusay na tauhan na gagampanan ang naturang tungkulin. Tipid pa sa pera ng bayan.
Pampapogi lang ng anak ni Aling Dionesia ito. Wala kasing ibang mabuting nagawa. Naku malapit na nga pala ang halalan.
May pangarap pang maging pangulo ang ama ni Jimwel. Aro, Dios ko! Maawa Ka po sa Pilipinas!
***
Talagang ibang klase itong si LeBron James. Magaling na, mapalad pa. Tapos mahusay pa magsalita sa media.
Kaya maraming tagahanga nguni’t may ilan din namang naiinggit o naiinis.
Itong last-second tres niya na winning basket pa kontra Warriors noong Huwebes ay may maganda pa siyang pahayag.
Na-foul nang masundot yung mata niya ni Draynond Green noong huling play. Isa lang naibuslo niya sa 2 charity shot para itabla ang score sa 100-all.
Pagbalik nila sa opensa ay naipit si Kentavious Caldwell-Pope sa ilalim mula sa pasa ni LBJ. Binalik ni KCP ang bola kay King James na may 30 feet ang layo sa rim. Tinira agad ni James para ma-beat ang shot clock. Swak! 103-100 na siyang naging final score.
“ Pagtanggap ko ng leather ay nakatingin ako sa oras, tapos sa labo ng paningin ko ay 3 goal ang nakikita. Yung gitna na ring ang tinarget ko.”
Oh di ba, napaka-witty ng 4-time NBA champion. Kaya press darling. Daming positbong mga quoatable quote.
Hindi katulad ng ibang sports personality na engot ang dating sa mga sagot sa tanong. Tapos ambisyoso kahit walang laman ang ulo.
The post Boxing Commission? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: