Facebook

Dalagitang nag-book sa rent-a-car service ginahasa

ARESTADO ang isang lalaking nasa rent-a-car service nang gahasain ang 15-anyos na babae sa Pasay City.
Kinilala ng Anti-Organized and Transnational Crime Division (NBI-AOTCD) ang naaresto na si Richard Rana Castino.
Ayon kay NBI Officer-In-Charge, Director Eric B. Distor, natanggap ng kanyang opisina ang reklamo ng ina ng biktima.
Sa report ng NBI, sinabing nag-aalok si Castino ng rent-a-car service sa pamamagitan ng Facebook na kinontak ng biktima upang dalhin siya sa kanyang kaibigan sa Pasay City noong Mayo 5 at naulit noong Mayo 7.
“However, on their way home, the victim noticed that subject Richard was driving towards a different direction and parked in a garage. Confused why they were there, the victim shouted at subject telling him to take her home. But the subject just tapped victim’s legs and told her to relax. Subject Richard alighted from the car and forcibly took the victim in one of the rooms of a hotel in Pasay City,” lahad ng NBI.
Agad namang nagsumbong ang biktima sa kanyang mga magulang, na agad lumapit ito sa NBI.

The post Dalagitang nag-book sa rent-a-car service ginahasa appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Dalagitang nag-book sa rent-a-car service ginahasa Dalagitang nag-book sa rent-a-car service ginahasa Reviewed by misfitgympal on Mayo 21, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.