Facebook

Bgy. kagawad niratrat ng 7 armadong lalaki

PATAY ang isang barangay kagawad sa bayan ng Maco, Davao de Oro nang pagbabarilin ng pitong lalaki Huwebes ng hapon.
Kinilala ang biktima na si Oliver Bataluna Ripdos, 42, sa Purok 1, Barangay Sangab ng naturang bayan.
Base sa salaysay ng asawa ng biktima, pauwi na sila para mananghalian mula sa kanilang bukid nang binaril ng isang lalaki kasama ang iba pang armado ang kanyang mister.
Nagtamo ng apat na tama sa likod ng katawan ang biktima na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.
Sa imbestigasyon ng Maco Police Station, mga miyembro ng isang communist terrorist group ang mga salarin. Inaalam pa ang motibo ng krimen at pagkakakilanlan ng mga salarin.

The post Bgy. kagawad niratrat ng 7 armadong lalaki appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bgy. kagawad niratrat ng 7 armadong lalaki Bgy. kagawad niratrat ng 7 armadong lalaki Reviewed by misfitgympal on Mayo 21, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.