
NAGTATAKA ang isang ginang sa misteryosong pagkawala ng kaniyang pera na pambayad sana sa paaralan sa Bacolod City, Negros Occidental.
Kinilala ang naturang ginang na si Sherryl Tayhopon.
Laking gulat ni Tayhopon nang malaman nitong isang daga ang tumatangay ng kanyang mga inipong perang papel.
Sa ulat, sinundan ni Tayhopon ang daga na patungo sa isang siwang na bahagi ng dingding ng kanilang bahay at nang inilawan ay doon niya natagpuan ang mga nawawalang pera.
Ayon kay Tayhopon, tila ginawang alkansya ng daga ang kanilang dingding. Ang masaklap umano rito, may punit na ang ilang pera.
The post Dingding ng bahay ginawang alkansiya ng daga appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Dingding ng bahay ginawang alkansiya ng daga
Reviewed by misfitgympal
on
Mayo 25, 2021
Rating:
Walang komento: