
MAY mungkahi si Senador Joel Villanueva para mahikayat ang lahat na magpabakuna laban sa Covid-19.
Sabi ng senador, dapat magsama sina Presidente Rody Duterte at Bise Presidente Leni Robredo sa informercial na maghihikayat sa lahat ng Filipino na magpaturok na ng bakuna laban sa Covid-19. Puede!
Maganda ang mungkahing ito ni Villanueva. Kasi nga marami parin sa ating mga kababayan ang takot magpatu-rok ng Covid-19 Vaccine dahil sa mga napabalitang may mga namatay matapos maturukan.
Pero sabi ng tagapagsalita ng Presidente na si Atty. Harry Roque, hindi puwede magsama sa infomercial sina Duterte at Robredo dahil magkaiba ang bakuna na kanilang ginamit. Oo nga naman…
Si Duterte kasi ay tinurukan ng bakunang smuggled at hindi rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA), ang Sinopharm na gawang China.
Samantalang si Robredo ay tinurukan ng AstraZeneca, isa sa mga bakunang ginagamit ngayon ng gobyerno sa frontliners, healthcare workers, mga may kapansanan at senior citizens.
Tapos nagsalita pa si President Duterte sa publiko na “huwag maging choosy” sa pagpabakuna. Magpaturok daw kung ano lang ang available na bakuna. Kaso siya mismo ay naging choosy, iligal pa. Hehehe…
Ito ang mga dahilan kaya umatras ang kampo ni Duterte na magkaroon ng sabay na infomercial ang Presidente at Bise Presidente para hikayatin sana ang lahat ng Pinoy na magpaturok na para mabilis na makuha ang target na 70 milyong mabakunahan at matapos na ang problema sa deadly virus.
So far, ang mga available na bakuna na dumating sa bansa ay ang Sinovac, AztraZeneca, Moderna, Pfizer at Sputnic V.
Ang isa pang rason kaya mabagal ang roll out ng bakuna ay ang usad-pagong na delivery o distribution ng Department of Health sa local government units (LGUs).
Sabi nga ni Manila Mayor Isko Moreno, “Very slow” ang dating ng bakuna kaya nauubusan sila sa itinuturok sa mga nagpapabakuna. Mismo!
Anyway, kung ayaw ni Presidente Duterte gumawa ng informercial para mahikayat ang lahat na magpaturok ng bakuna kontra Covid-19, si Robredo nalang ang gumawa. Go!
***
Binuking ng pamunuan ng University of the Philippines ang pagpupumilit ni Solicitor General Jose Calida na makakuha ng kopya ng mga SALN (Statement of Assets, Liabilities and Networth) ni Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen para magamit sa pagpapa-impeach sa Mahistrado.
Ang hinihirit ni Calida na SALN ni Leonen ay noong nagtuturo pa ito sa UP.
Actually lagpas na ang 8 years prescriptive period na itinalaga ng Korte Suprema para magamit ang SALN sa impeachment case.
Ang nakakaloka pa rito, mga pare’t mare, atat na atat si Calida magkaroon ng kopya ng mga SALN ni Leonen pero ‘yung SALN nila ni President Duterte ayaw nila isapubliko. Tsk tsk tsk…
Kaya gusto ipa-impeach ni Calida si Leonen dahil ito ang may hawak ng recount case ni Bongbong Marcos laban kay Robredo, kungsaan nabasura ang kaso.
Anyway, matatapos lang ang mga kahunghangan na ito sa gobyerno pagsapit ng 2022. Mismo!
The post Duterte, Robredo sa Covid-19 Vaccine infomercial appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: