
ANG Clippers at Nuggets at naakusahan na umiwas sa Lakers bilang katunggali sa unang round ng playoffs.
Nagpatalo daw sina Kawhi Leonard at sina Nikola Jokic sa mga nakaharap nila noong mga huling laban sa regular season para iba ang makatapat sa post season.
Olat nga sina Paul George sa kulelat na Houston, sa OKC at Dallas. Bigo rin sina Michael Porter Jt sa Portland sa last game nila.
Kaso hindi nga sina LeBron James ang naging ka-pares pero nadaig naman sila sa kani-kanilang mga Game 1.
Yuko ang Denver kina Damian Lillard at taob din ang LA Clippers kina Luka Doncic.
Karma ba tawag diyan? Iwas nang iwas kaya minalas.
Samantala ang hindi natakot sa playoffs sa Lakers na Phoenix ay pinatumba agad sina Anthony Davis sa unang laro ng kanilang best-of-7.
May mga ilang analyst ang nagsabi na mas maigi nga raw na makarambol sina LBJ sa unang yugto dahil may mga iniingatan pang injury mga key player at kulang pa sa chemistry kasama sina Andre Drummond at Ben Mclemore.
May katwiran sila kung pagbabasehan nga ang mga first game.
Nguni’t mahaba pa ang mga serye. Kailangan pa ng 3 pang W para makaungos at makarating sa ikalawang kabanata.
Malamang sa hindi ay makabawi ang mga loser at mapahaba nila ang serye. Mahirap na maka-sweep ngayon sa NBA.
Ang inaabangan talaga ng tao ay ang magiging kapalaran ng kaslukuyang kampeon. Patunay nito ang napakataas na tv ratings ng laban nila sa play-in kontra sa Warriors. Nakapagtala ng record sa taong ito na 5M na nakapanood sa kani-kanilang mga telebisyon.
LA Lakers pa rin ang pinakapopular na team at si King James ang pinakasikat na manlalaro.
***
Nillamon na naman ni Sen. Franklin Drilon yung kaibigan ng PBA at maraming basketbolista. Aba’y ang lakas ng loob maging kasapi ng Mataas na Kapulungan pero hindi mahusay sa trabaho lalo na sa pagtatanggol ng isang panukala.
Akala niya easy-easy lang ang mga ginawa noon nina Sen Salonga, Tanada, Aquino, Rodrigo, Manglapus at iba pa.
Hayun kailangan pa ng sangkaterbang bulong brigade upang may maisagot sa mga katanungan ni Big Frank. Sinubukan pang tapusin ang interpellation upang makaiwas sa pag-uusisa ng Senate Majority Floor Leader pero hindi siya nagtagumpay.
Dapat aralin niya ng maayos ang mga batas at ang mga tungkulin ng isang senador. Hindi ba siya nahihiya sa taong-bayan lalo na ang bumoto sa kanya? Mukhang makapal ang mukha eh.
Yung isa pa diyan na hindi bagay ay ang boksingero na minsan na rin nahirapan sa mga mala-jab, straight at uppercut na inquisition ng beteranong mambabatas.
Noong isang araw ay sa babaeng senador namang hindi makatugon ng mabuti ang nag-aambisyon pang maging pangulo.
Ano ba yan? Aro Dios Ko!
The post Umiwas kaya minalas! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: