Facebook

Ilang mall sa Maynila gagawing vacciantion sites

NAKIPAG-UGNAYAN ngayon ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa pamunuan ng mga mall para maging karagdagang vaccination sites.
Sa pahayag ni Mayor Isko Moreno, apat na mall sa lungsod ang kinakausap nila para maging vaccination sites, bukod pa ito sa 18 sites na ginagamit na sa ngayong ng lokal na pamahalaan.
Ayon kay Mayor Isko, ang mga mall na ito ay ang SM San Lazaro, SM City Manila, Robinson Place Manila, at Lucky China Town Mall.
Pinaplano rin nila na magtayo pa ng iba pang vaccination sites para ma-accomodate ang lahat ng mga nagta-trabaho sa Maynila mapa-pribado o gobyerno kahit pa hindi sila residente sa lungsod.
Sinabi pa ng alkalde na masisimulan ang plano kung sakaling dumami at dumating na ang mga bakuna mula sa National Government bukod pa sa binili ng lokal na pamahalaan na 800,000 doses ng Astrazeneca.
Sakaling dumating na ang mga nasabing bakuna, isasama na ng Manila LGU sa pagbabakuna ang mga nasa A4 category kung papayag na ang pamahalaan.
Iginiit ni Mreno na kung sapat ang hawak nilang bakuna at hindi natetengga, posibleng matatapos nila ang pagbabakuna o baka naka-90% na sila sa kabuuang bilang ng target na mabakunahan.(Jocelyn Domenden)

The post Ilang mall sa Maynila gagawing vacciantion sites appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ilang mall sa Maynila gagawing vacciantion sites Ilang mall sa Maynila gagawing vacciantion sites Reviewed by misfitgympal on Mayo 24, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.