
NAARESTO ng Airport Police Department (APD) ang isang Nigerian national at Filipina live-in partner nito na kapwa sangkot sa ‘honey love’ scam.
Kinilala ang Nigerian na si William John Ani, 29 anyos; at ang kaniyang nobya na si Endera Villajuan, 25.
Ayon kay APD Police Investigation Division Chief, Lt. Jesus Ducusin, nahuli nila ang dalawa habang kinukuha ang pera sa isang remittance center sa Baguio City.
Ginawa ang naturang operasyon nang dumulog sa APD ang panibagong biktima ng ‘honey love’ scam na si Jocelyn Perazdigo na tauhan ng Philippine Navy.
Ayon kay Ducusin, international ang operation ng sindikato at mula sa Indonesia ang pinaka-mastermind ng grupo.
Karamihan, aniya, sa mga binibiktima ng mga ito ay OFWs.
The post Nigerian at misis na Pinay huli sa ‘honey love’ scam appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: