Facebook

Norzagaray River dinagsa, health protocols ‘di nasunod

DINAGSA ng mga turista ang isang resort kungsaan hindi na nasunod ang physical distancing sa gitna ng Covid -19 pandemic sa Barangay Matictic, Norzagaray, Bulacan nitong Linggo.
Ayon sa ulat, wala ring suot na face mask at face shield ang mga dumayong turista.
Ayon sa kapitan ng Barangay Matictic na si Marcial Lucas, maging sila ay nagulat sa dagsa ng tao marahil ay dahil narin sa init ng panahon.
Pinapayagan ang outdoor tourist attractions sa ilalim ng general community quarantine pero sa 30% capacity lang dapat.
Ayon parin kay Lucas, 12:00 ng hapon nang itigil na ang pagtanggap ng mga turista pero patuloy parin ang pagdagsa ng mga tao.
Dahil dito, inatasan na ng awtoridad na paalisin ang mga turista sa lugar.
Ayon kay Police Colonel Lawrence B Cajipe, Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, agarang inaksyunan ng Norzagaray Police at Bulacan 2nd Provincial Mobile Force Company ang kanilang natanggap na ulat ukol sa paglabag sa minimum public safety health standard at 75 indibidwal ang natikitan.
Pag-uusapan naman ng provincial government, barangay, at cottage owners ang nasabing isyu,
Agad namang iniatas ni PNP Chief, General Guillermo Eleazar, na imbestigahan ang nangyari.
Pasok ang Bulacan sa GCQ with heightened restrictions. (James de Jesus)

The post Norzagaray River dinagsa, health protocols ‘di nasunod appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Norzagaray River dinagsa, health protocols ‘di nasunod Norzagaray River dinagsa, health protocols ‘di nasunod Reviewed by misfitgympal on Mayo 24, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.