Facebook

FDA, DOH, at Cavite Rep. Barzaga, binatikos sa Ivermectin issue

INSPIRASYON SA BUHAY: “…Sa Diyos ka magtiwala buong puso at lubusan, at huwag mong panghawakan ang sarili mong karunungan. Sa lahat ng iyong mga gawa, unahin mo nga Siya, at ang iyong mga landas, Kaniyang itatama…” (Kawikaan 3:5-6, Ang Tanging Daan Bibliya).

***

FDA, DOH, AT CAVITE REP. BARZAGA, TUMANGGAP NG GRABENG BATIKOS SA ISYU NG IVERMECTIN PERMITS AT COVID VACCINES: Umani ng matinding mga batikos at pagmumura ang Food and Drugs Administration (FDA) ng Department of Health (DOH) noong umaga ng Martes, ika 27 ng Abril 2021, bunga ng pa-isa-isang pagbibigay nito ng pahintulot sa mga ospital sa bansa upang gamitin na nila ang Ivermectin bilang gamot laban sa Covid 19.

Inulan ng maigting na batikos at mura na tila di makakain ng aso ang FDA at DOH ng lumabas ang mga balitang nagbigay na din ito noong Martes ng tinatawag nilang “compassionate permit” sa dalawa pang ospital upang pahintulutan ang mga ito na ibigay na ang Ivermectin sa mga pasyenteng may Covid 19.

Ang tanong ng nanggagalaiting sambayanan, sa kanilang pakikipag-usap sa Kakampi Mo Ang Batas matapos maglabasan ang mga balita, bakit ba tsina-tsani o ini-ipit-ipit pa ng gobyerno ang pahintulot upang tuluyan ng gamitin ng mga Pilipino ang Ivermectin?

Sa ngayon, limang ospital na sa Pilipinas ang nabigyan ng FDA ng medical permission para gamitin ang Ivermectin. Pero, sa halip na makatanggap ng papuri sa mga pagpapasya nilang ito, lalo pang naharap sa mura ang mga opisyales ng nasabing mga ahensiya mula sa mga Pilipinong naiinis na dahil nakakatanggap na sila ng impormasyong mahusay talaga ang Ivermectin upang ipanggamot sa Covid 19.

***

LIMANG OSPITAL PINAHINTULUTAN G GUMAMIT NG IVERMECTIN VS. COVID 19, CAVITE REP. BARZAGA MAY PANUKALA SA SAPILITANG BAKUNA:

Sa kabila ng pagpupumilit ng FDA, kasama na ng pinuno nitong si Dr. Eric Domingo, na hindi puwedeng gamitin ng tao, partikular yung mga may sakit na Covid 19, ang Ivermectin, patuloy naman ang pagpasok sa bansa ng mga pagpapatunay sa bisa ng Ivermectin.

Nauna ng nagpatunay sa kagalingan ng Ivermectin laban sa Covid 19 ang pamilya ni dating Senador Juan Ponce Enrile; Anak Kalusugan Party list Rep. Michael Defensor; media personality Tessa Mauricio at isa pang Mauricio journalist na kamag-anak ko at ni DJ Philip Mauricio, at marami pang iba.

Dito mismo sa Kakampi Mo Ang Batas, nagpahayag din ng kahusayan ng Ivermectin si Dr. Romeo Quijano, propesor sa UP College of Medicine. Ayon kay Dr. Quijano, apatnapung taon ng ginagamit ang Ivermectin ng mga tao, taliwas sa sinasabi nina Domingo at FDA at DOH at maging ng gobyernong Duterte na para sa mga hayop lang ang Ivermectin.

Sa Democratic Republic of Congro, ayon pa kay Dr. Quijano, labinlimang milyong katao na ang gumamit ng Ivermectin, at gumaling sa kanilang sakit na Covid 19. Pinabulaanan din ni Dr. Quijano na may masamang epekto ang Ivermectin sa tao. Sa halip, ayon pa sa duktor, ang mga bakunang ginagamit sa ngayon laban sa Covid 19 ay napatunayang may mas masamang epekto sa kalusugan ng tao.

***

PAGBABALIK SA DIYOS, PANLABAN SA COVID 19: Nailabas din sa Kakampi Mo Ang Batas ang mga panayam ng Anak Kalusugan Party List kay Dr. Joseph Varon ng Frontliners against Covid 19 Coalition, o FLCCC, na nagpapatunay din na matindi talaga ang husay ng Ivermectin. At kasama din ngayon sa nakakatanggap ng matinding puna at batikos si Cavite Congressman Elpidio Barzaga, dahil sa panukala nitong gawing sapilitan ang pagbabakuna sa mga Pilipino.

Ang panukala ay isinumite na ni Barzaga sa House of Representatives upang talakayin ng mga mambabatas. Ayon sa maraming mamamayan, kasama na ang isang grupo ng mga hosts ng 21 Minutos Mas o Menos, isang daily online morning show, hindi makatwiran at labag sa utos ng Diyos ang panukala ni Barzaga.

Ibinabala ng mga mamamayan ang pagkuwestiyon sa anumang magiging batas tungkol sa sapilitang bakuna sa mga Pilipino, partikular sa mga hukuman hanggang sa Korte Suprema. Nagbabala din ang ilang mga legal luminaries na mapipilitan silang magsampa ng kasong graft and corruption laban sa sinumang lalagda sa anumang panukalang batas ukol sa sapilitang bakuna, sapagkat ang nasabing batas, pag naipasa, ay magdudulot lamang diumano ng di makatwirang pinsala sa tao.

Sa pahayag ni Ginoong Rod Cornejo ng Philippine Bible Society, ang sapilitang bakuna ay labag sa karapatang pantao ng mga mamamayang ayaw magpabakuna. Sinabi ni Cornejo na ang katawan at ang kalusugan ng tao ay nasa sarili nilang pagpapasya, at hindi pupuwedeng paki-alaman ninuman, kahit pa ng gobyernong gumagamit ng public health issue. Sa pahayag naman ni Methodist Bishop Rudy Juan ng Davao Methodist Episcopal area, at ni Pastora Kay Zobel ng Simbahang AND KNK, at ng inyong lingkod, Atty. Batas MNauricio, hindi dapat nawawalan ng tiwala ang mga tao sa Diyos kahit na sa harap pa ng matinding pananalasa ng Covid 19 sa mundo.

***

REAKSIYON? TANONG? Telepono: 0947 553 4855. Email address: batasmauricio@yahoo.com.

The post FDA, DOH, at Cavite Rep. Barzaga, binatikos sa Ivermectin issue appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
FDA, DOH, at Cavite Rep. Barzaga, binatikos sa Ivermectin issue FDA, DOH, at Cavite Rep. Barzaga, binatikos sa Ivermectin issue Reviewed by misfitgympal on Mayo 17, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.