DINAKIP ang isang lalaki dahil sa pananakot na ilalabas sa social media ang hubad na litrato at pangongotong sa dating nobya sa entrapment operation sa Hinunangan, Southern Leyte.
Kinilala ang dinakip na si Chadlie Bual alias “Chad”, 39 anyos, may-asawa.
Ayon kay PNP Chief, General Guillermo Lorenzo Eleazar, isinagawa ang entrapment operation ng mga tauhan ng Regional Anti Cyber Crime Umit 8, Hinundayan Police Station sa Rela Jarse, FoodHouse and Coffee Shop, sa Bgy. Poblacion, Hinunangan.
Ang pagdakip ay base sa reklamo ng 21-anyos na biktima, college student, sa Women and Protection Desk matapos makatanggap ng mga pagbabanta at pangongotong mula sa kanyang ex-boyfriend na ipapakalat ang hubad na litrato at video sa social media kung tatangging makipagtalik ito.
Inaresto si Bual nang tanggapin ang P21,000 mark money mula sa biktima.
Nahaharap ngayon si Bual paglabag sa R.A. 9995 o Anti Photo and Video Voyeurism Act of 2009, R.A. 9262 (VAWC), paglabag sa Art. 294 (robbery extortion) of RPC, at Art. 282 of RPC (grave threat).
(Mark Obleada)
The post Lalaki kinokotongan ang ex-dyowa appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: