Facebook

Mag-amang killer/rapist ng 2 paslit sa Bulacan timbog

MATAPOS maglabas ng P100,000.00 pabuya ang LGU, agad nadakip ang mga salarin sa karumal-dumal na krimen ng pagpaslang sa dalawang bata sa Barangay Graceville, San Jose del Monte (SJDM) City, Bulacan.
Personal na iniharap kay PNP Chief, General Guillermo Eleazar, ang salarin na si Romeo Ruzon, 41 anyos, ng Barangay Gumaoc East; habang hindi na pinangalan ang stepson nito na menor de edad.
Una nang natagpuan ang dalawang biktima na sina Jenny De Vera, 11; at Lou Anderson Icalla, 8, sa bakanteng lote ng Barangay Graceville ng nasabing lungsod noong May 12 bago magtanghali.
Ayon sa report, may mga sugat sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima, na pinaniniwalaan din na ginahasa si Jenny dahil wala na itong saplot pang-ibaba at pang-itaas at iniwang nakatihaya.
Samantala, inamin ni Ruzon na siya ang pumatay sa mga paslit dahil sinira raw ng mga ito ang mga tanim niyang kamatis.
Isasailalim sa drugtest ang mga nadakip.
Sa laboratory examination, nakumpirma na ginahasa bago pinatay si Jenny.
Sasampahan ng kasong kriminal ang mga naaresto.
Pinapurihan naman ni San Jose del Monte City, Bulacan Mayor Arthur Robes ang PNP sa agarang pagresolba sa krimen.
(Thony D. Arcenal/Mark Obleada)

The post Mag-amang killer/rapist ng 2 paslit sa Bulacan timbog appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mag-amang killer/rapist ng 2 paslit sa Bulacan timbog Mag-amang killer/rapist ng 2 paslit sa Bulacan timbog Reviewed by misfitgympal on Mayo 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.