Ewan ko ba dito sa Pilipinas, puro nalang reklamo. Ultimo brand ng bakuna pinupulitika, ginawan ng issue instead na himukin ang taong bayan na magpabakuna kahit ano pamang brand. Pinopropaganda, basta lang siraan ang programa ng administrasyon. Tinatakot ang madla sa halip na himukin para mapagtagumpayan na ang herd immunity. Pilit na iginagaya sa mga 1st world na may kakayahan at priyoridad sa bakuna. Halos lahat naman na ng dalubhasa ang nagsabi na ang pinakamabisang bakuna ay kung ano ang mayroon huwag na dapat maging choosy at mamulitika. Iisa ang motibo siraan at pabagsakin ang gobyerno na talaga naman napakalaking suliranin din kinakaharap maliban sa pandemya. Mga pinoy nga naman.
Super bagal magserbisyo ng Primewater sa Bgy Lias, Marilao, Bulacan
MAGANDANG ARAW PO. REPORT KO DITO SA AMING BARANGAY LIAS, MARILAO, BULACAN . ANG SERBISYO PO NG PRIMEWATER AY SUPER BAGAL. NAG-REPAIR PO SILA NG TAGAS NG TUBIG S A AMING TAPAT . DATI PO ‘DI KAMI NAWAWALAN NG TUBIG. NANG GUMAWA SILA BIGLA NAWALAN NG TUBIG. NI-REPORT PO NAMIN SA KANILA MAY 2O, 2O21. GAGAWAN PA RAW NG JOB ORDER. BAKA NEXT WEEK DAW MAGAWA . SILA ANG MAY KASALAN, KAMI PO ANG NAGDUSA. 3 PAMILYA KAMING APEKTADO. GOD BLESS PO. – SR. CITIZEN NG LIAS
The post Magpabakuna na, ‘wag choosy, wag politikahin appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: