Facebook

14-anyos pisak sa garbage truck

CENTRAL MINDANAO- Patay ang isang binatilyo nang maatrasan ng trak sa syudad ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si alyas Emar, 14 anyos at residente Barangay Poblacion 9 Cotabato City.

Ayon kay Brgy Poblacion 9 Barangay Chairman Jonas Mohammad, basurero at pahinante ang garbage truck ng City LGU at hindi napansin nito ang biktima na nangangalakal ng basura.

Pag-atras ng garbage truck nasapol ang binatilyo sa kanyang katawan.

Binawian ng buhay si Emar nang magtamo ng maraming sugat at bali sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng City PNP sa lungsod ng Cotabato sa naturang pangyayari.

The post 14-anyos pisak sa garbage truck appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
14-anyos pisak sa garbage truck 14-anyos pisak sa garbage truck Reviewed by misfitgympal on Hunyo 25, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.