Facebook

EJ Obiena nasungkit ang gintong medalya sa Sweden

PINATATAG pa ni Pole vaulter EJ Obiena ang kanyang preparasyon para sa Tokyo Olympics matapos masungkit ang gintong medalya sa Gothenburg Athletics Grand Prix sa Gothenburg, Sweden kahapon.

Obiena, ang una sa siyam na Filipino athletes na kwalipikado sa laro, ay tinalon ang bar sa taas na 5.70 meters sa kanyang first attempt para mangibabaw sa seven-player na kalahok kabilang ang reigning Olympic champion Thiago Braz ng Brazil.

Braz, na training partner rin ni Obiena sa camp sa Italy, ay nagkasya sa runner-up honors na 5.65m,Habang ang Norwegian teen Paul Haugen Lilifosse ay napunta sa third place na 5.60m.

Kahit na panalo, ang kanyang performance ay mas mababa sa kanyang personal outdoor best na 5.81 m na naitala sa tournament sa Italy noong 2019 na nagbigay sa kanya para makapasok sa Olympic.

Ito ang unang outdoor meet ni Obiena matapos ang matagumpay na indoor campaign sa nakalipas na ilang buwan kung saan naibalik sa dati ang indoor mark sa 5.86m habang nagwagi ng apat na podium finishes sa anim na tournaments.

Si Obiena na kasalakuyan ranked No.11 sa boung mundo ay isa sa mga atleta na inaasahang maguuwi ng medalya para sa Team PH sa Tokyo Games.

The post EJ Obiena nasungkit ang gintong medalya sa Sweden appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
EJ Obiena nasungkit ang gintong medalya sa Sweden EJ Obiena nasungkit ang gintong medalya sa Sweden Reviewed by misfitgympal on Hunyo 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.