Facebook

Endorsement ni Kris Aquino sa tatakbong pangulo inaabangan

PINAG-UUSAPAN na ngayon sa social media ang posibleng pag-e-endorso ni Kris Aquino sa tatakbong pangulo para sa 2022.

Ito’y kasunod ng pagyao ng kapatid ni Kris na si dating Pangulong Noynoy o PNoy, kungsaan muling nakita ang pagdalamhati ng mga mamamayan tulad ng pagpanaw ng kanyang inang si dating Pangulong Cory na naging dahilan ng pagkaluklok kay Noynoy noong 2010.

Naaalala ko pa nang ihatid sa kanyang huling hantungan si Cory noong umaga ng August 5, 2009, mula Manila Cathedral ay napuno ng mga nakikiramay ang kahabaan ng Roxas Boulevard hanggang sa Manila Memorial Park sa Parañaque City.

Nakita rin ito sa burol at paghatid kay Noynoy sa kanyang huling himlayan sa Manila Memorial Park noong Sabado, Hunyo 26. Kahit may pandemya ay pila ang mga tao, masaluduhan lang kahit ang abo ng dating Pangulo.

Kasunod nito ang paglabasan sa social media lalo sa mainstream media ng ‘di matawarang accomplishments ng PNoy administration.

Nalaman ng sambayanang Pinoy na si Noynoy ay hindi korap, hindi nagpayaman, ‘di naging abusado sa kapangyarihan at may galang sa human rights

Sa administrasyon ni PNoy, gumanda ang ekonomiya ng bansa at tumibay ang relasyon ng Pilipinas sa malala-king nasyon sa mundo.

Ang kanyang pagiging simpleng lider ng bansa ay ikinuwento rin ng kanyang kasambahay na 30 years naglingkod sa kanya. Napaka-humble at napakamaalalahanin daw ni Noynoy.

Ang mga papuring ito kay Noynoy ay gumising sa damdaming Pinoy lalo kapag ni-replay ang kanyang mga speech noon na tinatawag niya ang mamamayan na “Kayo ang boss ko!”

Ngayong muling napukaw ang damdamin ng mga Filipino at naalala ang mga naging ambag ng mga Aquino sa ating bansa, hindi malayong makinig ang marami sa atin sa tatayong isang Aquino para sa 2022 Presidential election.

Maaring wala isa man sa mga Aquino ang tatakbong Presidente sa 2022, pero ang kanilang endorsement ay napalaking bagay para pakinggan ng mamamayan.

Si Kris, bunso sa magkakapatid na Aquino, ang may boses sa magkakapatid. Bukod sa milyones ang kanyang fans sa pagiging aktres, paborito pa siya ng media lalo ng showbiz.

Si Kris ang sinasabing all-out na mag-eendorso ng kandidato ng Liberal Party, ang partido ng kanyang mga magulang at ni Noynoy, para sa pagkapangulo sa darating na halalan.

Una nang inanunsyo ng Liberal Party (LP) na ang kanilang susuportahan ay si Vice President Leni Robredo, ang biyuda ni dating DILG Sec. Jesse Robredo na bespren ni Noynoy.

Oo! Inaabangan ngayon ng marami lalo ng mga politiko, ang pag-endorso ng isang Aquino sa tatakbong Presidente ng bansa sa darating na halalan.

Ang filing ng Certificate of Candidacy (CoC) ay sa ika-lawang Linggo ng Oktubre, apat na buwan mula ngayon.

Lima ang posibleng sumabak sa Presidential derby: VP Robredo, Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, Sen. Manny Pacquiao, ex-Sen. Bongbong Marcos, at Manila Mayor Isko Moreno. Subaybayan!

The post Endorsement ni Kris Aquino sa tatakbong pangulo inaabangan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Endorsement ni Kris Aquino sa tatakbong pangulo inaabangan Endorsement ni Kris Aquino sa tatakbong pangulo inaabangan Reviewed by misfitgympal on Hunyo 28, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.