Facebook

Napakalaki naging budget sa bakuna, pero walang bakuna

KUNG totoo lahat ng mga inanunsyo ng gobierno sa pagbili ng bakuna kontra Covid-19, siguro nabakunahan na ang higit kalahati ng target na 70 million para marating ang herd immunity.

Kaso puros boladas lang ang gobiernong Duterte eh. Paasa! Puros kasinungalingan!!! Hindi natin malaman kung kelan nagsasabi ng totoo o nagbibiro lang…

Hindi ba’t Nobyermbre 2020 pa nila sinasabi na nakabili na sila ng 160 million doses ng iba’t ibang brand ng bakuna. Binili raw ito sa pamamagitan ng mga loan sa Asian Development Bank at World Bank. For delivery na raw ito. Anong petsa na?

Karamihan ng dumating na bakuna ay donasyon ng China at Amerika. Ang dumating na nabili ng gobierno ay higit 2 million doses palang yata.

Sa huling report ng Department of Health (DoH), ang fully vaccinated palang sa 109 million Pinoy ay 2 percent o higit 2 million simula nang umpisahan ang vaccination program noong Marso.

Ang local government unit (LGU) ng Maynila ay mabilis magsagawa ng pagbabakuna, araw-araw, kaso kinakapos sa suplay. Kaya limitado lang ang natuturukan araw-araw. Ako, isang A4 priority, ay nakailang balik na sa mall para magpabakuna, kaso ‘di ako umaabot sa bilang. Kaya hanggang ngayon Ivermecten muna ako. Hehehe…

Ibig sabihin, ang problema ay sa national government talaga. Wala silang sapat na suplay, patingi-tingi ang nabibili. Siguro kapos sa budget. Hindi totoo na nakabili na ng 160 million doses.

Dahil kung totoo ang paulit-ulit na inaanunsyo noon nina Vaccine czar Secretary Carlito Galvez at mismo ni Pangulong Rody Duterte na naka-order na sila ng 160 million doses ng mga bakuna, dili sana’y tuluy-tuloy, araw-araw ang pagbabakuna sa mga gusto magpabakuna. Patapos na sana tayo sa vaccination program tulad ng ibang mga bansa sa Southeast Asia. Mismo!

At kung totoo ang sinasabi ng gobierno na nakabili na nga sila ng 160 million doses ng mga bakuna noon pang 2020, bakit pa gagalawin ang P2.5 billion na pondo ng Office of the President? Bakit kailangan pang magkaroon ng panibagong P25 billion allocation para pambili ng bakuna sa Bayanihan 3?

Sabi ng mga Senador, mayroong P82.5 billion pondo sa vaccination program. Nasaan na ito? Napakalaking pera na ang pinag-usapan sa pagbili ng bakuna pero walang bakuna. Anyare, mga bossing?

Bukod sa napakalaking halaga ng pondong ito ng gobierno sa pagbili ng mga bakuna, marami ring pribadong individual ang nag-donate ng pambili ng bakuna. Again, nasaan ang mga bakuna, mga bossing?

Siguro matatapos lang ang problema ng Pilipinas sa Covid-19 kung iba na ang presidente natin tulad sa Amerika. Na nang mawala ang buang na si Donald Trump at naupo si Biden, naging maayos ang panahalaan ng Estados Unidos. Sana ganito rin ang mangyari sa Pilipinas sa 2022. Let’s pray for this, mga pare’t mare…

***

Bumabaha parin ang iligal na droga sa bansa. Hindi na tingi-tingi, kilo kilo, bultu-bulto na ang pumapasok sa atin.

Nitong Linggo ng gabi lang, 117 kilos ang nasabat ng PDEA sa Cavite. Saan galing ito? Sino ang nasa likod nito? Paano ito nakalusot sa Customs? Hello mga kumpaleng Peter Lim, Charlie Tan, Kenneth Dong!!!

The post Napakalaki naging budget sa bakuna, pero walang bakuna appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Napakalaki naging budget sa bakuna, pero walang bakuna Napakalaki naging budget sa bakuna, pero walang bakuna Reviewed by misfitgympal on Hunyo 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.