Facebook

Prov’l jail guard huli sa shabu sa Laguna

LAGUNA – Arestado ang isang miyembro ng Laguna Provincial Jailguard (LPJ) nang kumagat sa ikinasang drug buy bust operation ng mga operatiba ng PDEA4A, Sta. Cruz PNP at Provincial Intelligence Unit (PIU) sa Barangay Bagumbayan, Sta Cruz, Huwebes ng umaga.

Sa ulat ngPIU chief na si Lt. Colonel Arvin Avelino, kay Laguna PNP Provincial director Col. Serafin Petalio II, nakilala ang dinakip na si Gary Pascua, jail officer, may asawa, ng Bgy. Santisima, Sta. Cruz.

Nabilhan si Pascua ng poseur buyer ng shabu na nagkakahalaga ng P2,000. Nasamsam sa kanyang posisyon ang 5 sachets ng shabu at nabawi ang buy bust money. Nakakulong siya ngayon sa Sta. Cruz PNP.

Samantala, sinabi ni LPG Warden retired General Norman Pinon na magsasagawa rin sila ng imbestigasyon sa pagkakahuli sa droga kay Pascua. (Dick Garay)

The post Prov’l jail guard huli sa shabu sa Laguna appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Prov’l jail guard huli sa shabu sa Laguna Prov’l jail guard huli sa shabu sa Laguna Reviewed by misfitgympal on Hunyo 25, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.