Facebook

Roque nagbabala sa naninira sa vaccination program ng pamahalaan

HAHABULIN ng Malakanyang ang mga nasa likod ng umano’y namimigay ng flyers na kung saan ay nakalagay na mga peke ang mga ginagamit na bakuna laban sa covid-19.

Ito ang babala ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga naninira sa isinasagawang vaccination program ng pamahalaan.

Sinabi ni Roque, napag-alaman nila sa impormasyon na nag-distribute ng flyers na sinisira ang programa ng pamahalaan.

Binigyan diin ni Roque, na tiyak na paparusahan ang sinumang nasa likod nito sa kabila na nahaharap sa COVID-19 pandemic ang bansa.

Paglilinaw ni Roque, maayos, ligtas at epektibo ang mga ginagamit na pangbakuna kontra COVID-19. (Vanz Fernandez)

The post Roque nagbabala sa naninira sa vaccination program ng pamahalaan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Roque nagbabala sa naninira sa vaccination program ng pamahalaan Roque nagbabala sa naninira sa vaccination program ng pamahalaan Reviewed by misfitgympal on Hunyo 25, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.