Facebook

Tatlo pang PVL teams nag-set up ng ‘bubble training camps’

NAGSIMULA na mag training ang Cignal HD, F2 Logistics, at Balipure para sa paparating na Premier Volleyball League (PVL) Open Conference.

Ang tatlong teams ay nag set up ng camps na “bubble” setting sa ibat ibang lugar.
Ang Cignal ay sa Splendido Country Club sa Laurel Batangas, simula pa noong Hunyo 1- parehong venue kung saan nagsagawa ang PLDT ng kanilang camp mula Mayo 16 to 31.

Present sa Cignal camp ay sina,Shaq Delos Santos at ang kanyang staff, kasama ang mga players Rachel Daquis,Jheck Dionela, Cherry Vivas, Janine Marciano, Fiola Ceballos, May Luna, Roselyn Doria, Cindy Amutan, Pauline Cardiente, Rapril Aguilar, Norielle Ipac, Ranya Musa, Cecelia Bungad at newcomers Ayel Estranero at Klarisa Abrian.

Samantala, ang F2 Logistics at BaliPure ay sinimula ang kanilang bubble training camps nakaraang Lunes.

Ang Cargo Movers ay nasa Valentino Resort and Spa sa San Jose, Batangas para sa isang buwan na camp at matatapos sa July 7.

Habang ang Purest Water Defenders ay nagtayo ng kanilang bubble sa Colegio de San Sebastian Pampanga Gym sa San Fernando na magwawakas hanggang June 30.
Perlas ay patuloy ang kanilang training sa St.Vincent Gym sa Naguillan Road, sa Baguio.
Lahat ng venues ay sinayasat ng Games and Amusement Board’s pro volleyball division head Reginal Capadera at aprub ni chairman Baham Mitra.

Ang Cignal ay unang nag training sa Paco Arena, habang ang BaliPure ay sa RIM Sports, subalit, kailangan nilang tumigil dahil sa NCR-plus na inilagay sa ilalim ng tumaas na quarantine status.

Nakaraang buwan, Creamline at Choco Mucho ay nagsagawa ng training bubble sa St.Paul American School sa Clark Freeport Zone mula April 27 to May 23.

Puntirya ng PVL na simulan ang Open Conference sa susunod na buwan sa loob ng bubble.

The post Tatlo pang PVL teams nag-set up ng ‘bubble training camps’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Tatlo pang PVL teams nag-set up ng ‘bubble training camps’ Tatlo pang PVL teams nag-set up ng ‘bubble training camps’ Reviewed by misfitgympal on Hunyo 08, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.