Facebook

Training ng Perlas Spikers sa Baguio kinansela 8 players nag-positibo sa COVID-19

PANSAMANTALANG kinansela ang bubble training ng professional volleyball team Perlas Spikers sa Baguio matapos na mag positibo ang walong players nito sa COVID-19.

Kinumpirma ni Premier Volleyball League (PVL) commissioner Tony Liao kahapon Lunes, kasunod ng balita na umiikot sa social media.

Ang walong players ay naka quarantine ngayon at nakahiwalay sa natitirang team habang hinihintay ang susunod na RT-PCR results na lalabas sa July 6.

Sinabi ni Liao na ang team ay puwede pa rin lumahok sa parating na Open Conference na nakatakda sa July 17 sa Laoag City, Ilocos Norte depende kung ilang players ang magagamit na sumabak.

Ang team ay kailangan at least nine players para sumabak sa conference.

Ayon sa health protocols, bawat player na papasok sa tournament bubble ay masuri kapag nag-positibo ang resulta ay hindi makakapasok sa bubble.

Ang development ay dumating matapos ang ilang reports ay lumitaw na ilan sa national volleyball team members training in Baguio ay nagpositibo sa virus.

Nilinaw ni Philippine Sports Commission National Training Director Marc Velasco nitong Linggo na karamihan sa national teams ay ipagpatuloy ang training sa July 1.

“The PSC would like to inform you that the national volleyball team is not training in PSC Baguio,” Ayon sa pahayag.

Isiniwalat ni Philippine National Volleyball Federation (PNVF) president Tats Suzara kamakailan na ang men’s at women’s national team ay nakaiskedyul na mag training sa Ilocos Norte sa July 1.

The post Training ng Perlas Spikers sa Baguio kinansela 8 players nag-positibo sa COVID-19 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Training ng Perlas Spikers sa Baguio kinansela 8 players nag-positibo sa COVID-19 Training ng Perlas Spikers sa Baguio kinansela 8 players nag-positibo sa COVID-19 Reviewed by misfitgympal on Hunyo 28, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.