AABOT sa 1.6 milyong doses ng bakuna kontra COVID-19 na gawa ng kompanyang Johnson & Johnson ang dumating sa bansa nitong Sabado, Hulyo 17.
Ang mga naturang bakuna ay donasyon ng Amerika sa Pilipinas sa pamamagitan ng COVAX Facility.
Dumating ang second batch ng bakuna dakong 4:00 ng hapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sakay ng Emirates flight EK 0332.
Dahil dito, nakumpleto na ng Amerika ang 3.2 milyong doses na donasyon sa Pilipinas.
Magagamit ang Johnson & Johnson bilang single shot vaccine sa mga nag-eedad ng 18 anyos pataas.
Samantala, dumating na rin sa bansa ang 1.5 milyong doses ng bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Sinovac Sabado ng umaga, Hulyo 17.
Sakay ng Cebu Pacific flight 5J671 ang mga bakuna na galing ng Beijing at lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.
Nabatid na binili ng gobyerno ang mga bakuna.
Agad namang ilalagay ang mga bagong dating na bakuna sa cold storage facility sa Marikina City.
Nabatid na ipamamahagi rin ito sa mga local government units sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
The post 1.6M Johnson & Johnson COVID vaccines at 1.5M Sinovac dumating sa bansa appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: