Facebook

2 kolektor ng extortion money ng NPA, arestado

SORSOGON CITY – Arestado ng pinagsanib na puwersa ng PNP at Phil. Army ang dalawang aktibong miyembro ng New People’s Army (NPA) na taga-kolekta ng “extortion money” ng kanilang hukbo.

Kinilala ang mga nadakip na sina Annie Roluna Castillo, 47 anyos, ng Barangay Gabao, Irosin; at Ruel Golpeo Llaner, 43, ng Bgy. Taromata, Bulan.

Sa ulat, nadakip ang dalawa sa Bgy. Panganiban sa bayan ng Gubat.

Ayon sa report, nagsumbong ang mga mamamayan sa walang habas na pangingikil ng dalawa kung kaya’t ikinasa ang operasyon ng puwersa ng Sorsogon 1st Provl Mobile Force Company, Collection Team 1 (COLT 1) ng 31 Infantry Battalion, at ng 504th Regl Mobile Force Battalion.

Nasabat ng mga operatiba ang dalawang suspek nang makapag-endorso ito ng pera sa Bgy. San Ramon, Barcelonasa isang Jun Jesarsa alias Ka Kumang.

Nakumpiska kay Castillo ang isang hand grenade habang si Llanera ay nakuhaan ng kalibre .45 na pistola, dalawang magasin na kargado ng mga bala.

The post 2 kolektor ng extortion money ng NPA, arestado appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 kolektor ng extortion money ng NPA, arestado 2 kolektor ng extortion money ng NPA, arestado Reviewed by misfitgympal on Hulyo 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.