Facebook

Kawatan tumba sa sipa ni ‘Jackie Chan’

BINANSAGANG “Jackie Chan” ng mga kakilala ang isang lalaki nang mahuli ang isang tumatakas na kawatan sa pamamagitan ng kaniyang patalikod na sipa sa Barangay 248, Manila.

Sa ulat, makikita sa CCTV ng barangay na hinahabol ng mga tanod ang kawatan.

Pero malayo palang, nakita na ni Victor dela Cruz ang habulan at papunta sa kinaroroonan niya ang hinahabol.

Sa video, nagtaas ng dalawang kamay si dela Cruz na ala-“Karate Kid.” At nang mlapit na sa kaniya ang hinahabol na lalaki na may kinukuha sa likuran nito, nagpakawala ito ng sipa patalikod. Nasapul ang magnanakaw at bumalandra sa tabi. Nadakip ito ng mga humahabol na barangay tanod.

Nagpasalamat si Barangay 248 Chairman RB Beltran sa ginawa ni dela Cruz, pero hindi niya hinihikayat na gawin din ng iba ang ginawa ni “Jackie Chan” dahil peligroso.

The post Kawatan tumba sa sipa ni ‘Jackie Chan’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kawatan tumba sa sipa ni ‘Jackie Chan’ Kawatan tumba sa sipa ni ‘Jackie Chan’ Reviewed by misfitgympal on Hulyo 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.