Facebook

2 patay, 3 sugatan sa kidlat

LAOAG CITY – Patay ang dalawa katao at tatlo ang sugatan nang tamaan ng kidlat sa Barangay Tartarabang sa bayan ng Pinili dito sa lalawigan.

Ayon kay Police Senior Master Sergeant Noel Gamit, ang chief investigator ng PNP-Pinili, ang dalawang namatay ay isang menor de edad at isang 35-anyos.

Sinabi ni Gamit na sinamantala ng higit 10 katao ang pagbuhos ng ulan para magtanim ng palay ngunit biglang kumidlat at nasapul ang mga ito nitong Biyernes ng umaga.

Agad itinakbo sa Rural Health Unit (RHU) ang mga biktima ngunit dahil naka-isolate rin ang mga empleyado, naisugod ang mga ito sa isang pribadong ospital.

Dalawa sa mga biktima idineklarang dead on arrival, at tatlo ang nagtamo ng sugat sa paa at dibdib.

Tatlo sa limang biktima ay magkakapatid, isa sa kanila ang namatay.

Ito ang unang kaso na may tinamaan ng kidlat sa nasabing bayan ngayong taon.

The post 2 patay, 3 sugatan sa kidlat appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 patay, 3 sugatan sa kidlat 2 patay, 3 sugatan sa kidlat Reviewed by misfitgympal on Hulyo 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.