Facebook

P2.4m marijuana nasabat sa Benguet

NASA P2.4 million halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nasamsam ng mga tauhan ng PDEA sa drug buy-bust operation kasama ang puwersa ng anti-narcotic operatives ng PDEA Nueva Ecija Provincial Office, PDEA Benguet, PDEA Baguio City, at Tuba Police Station sa Benguet.

Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang mga nadakip na sina Laista Pedro, 20 anyos, ng Kibungan, Benguet; at Jimmer Bedkingan, 27, ng Atok, Benguet; at ang batang lalaking menor-de-edad na dinala sa local Social Welfare Development Office.

Nakuha sa mga nadakip ang 20 tubular package na naglalaman ng dried stalks at marijuana leaves na nasa halos 20 kilos.

The post P2.4m marijuana nasabat sa Benguet appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
P2.4m marijuana nasabat sa Benguet P2.4m marijuana nasabat sa Benguet Reviewed by misfitgympal on Hulyo 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.