Facebook

2 patay sa kidlat sa simbahan sa Cagayan

RIZAL, Cagayan – Dalawa katao ang nasawi nang tamaan ng kidlat sa isang rest house sa St. Francis De Assissi Parish Church sa Barangay Mauanan dito.

Kinilala ang mga nasawi na sina Virginia Acosta, 64 anyos, chapel assistant; at Samuel Cruz, 42, kapwa residente ng nasabing lugar.

Isinugod pa sila sa Tuao District Hospital pero nasawi rin.

Ang mga biktima, bago masawi, ay ipinapastol ang kanilang mga kalabaw pabalik ng kumbento nang magdesisyon na tumigil muna sa rest house dahil sa pagbuhos ng malakas na ulan. Dito sila natamaan ng kidlat at nakita nalang na nakahandusay.

The post 2 patay sa kidlat sa simbahan sa Cagayan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 patay sa kidlat sa simbahan sa Cagayan 2 patay sa kidlat sa simbahan sa Cagayan Reviewed by misfitgympal on Hulyo 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.