Facebook

7 tulak huli sa P1m shabu sa QC

SWAK sa kulungan ang pitong tulak ng iligal na droga matapos makumpiska sa kanila ang P1,020,000 Milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Quezon City, nitong nakalipas na Huwebes ng madaling araw (Hulyo 22, 2021).

Kinilala ni PLt. Col. Cristine Tabdi, Station Commander ng Quezon City Police Disstrict station 3 Talipapa ang mga nadakip na sina Mary Grace Dimaano alias “Gaga,” 20, nasa Regional Level Drug Personality; at Khristian Sanchez, 25, kapwa residente ng No. 46-G, Dimaano Compound, Brgy. Balon Bato, QC; Nathaniel Bitanga, 18, ng No. 154 Tendido St., Brgy. San Jose, QC; Mylene Bengco, 31 at Vincent Reyes, 31, kapwa naninirahan sa Ilalim ng Tulay, Brgy. Unang Sigaw, QC, Felipe Bacsal Jr, 26, ng Maybancal Morong, Rizal, at Marlo Santos, 18, residente ng Oliveros Drive, Brgy. Apolonio Samson, QC.

Ayon kay Tabdi naaresto ang mga suspek sa isinagawang buy-bust operation 5:30 ng umaga (July 22), sa No. 46-G Dimaano Compound, Brgy. Balon Bato, matapos na makatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad sa ginagawang lligal na aktibidad ng mga ito.

Nakumpiska sa mga suspek ang 150 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,020,000, buy-bust money na P1,000, digital weighing scale, cellular phone, at Ford EcoSport na may plakang ABO 4979.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article II of RA 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga suspek. (Boy Celario)

The post 7 tulak huli sa P1m shabu sa QC appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
7 tulak huli sa P1m shabu sa QC 7 tulak huli sa P1m shabu sa QC Reviewed by misfitgympal on Hulyo 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.