HIGIT isang taon na tayong nakakulong sa pandemya ng Covid-19.
Marso 2020 pa simula nang sumambulat ang Covid-19 sa Pilipinas. Dumaan na tayo sa ilang beses na lockdowns, paulit-ulit – ECQ, MECQ, GCQ, MGCQ, tapos NCR Plus Bubbles…
At ngayon… GCQ uli with hightened restrictions, anunyso kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque. Ang rason may nakapasok daw na mas malupit na virus, Delta variant ng Covid-19.
Kaya pati mga bata na 5-anyos pataas bawal na uli lu-mabas ng bahay. Kawawa naman mga apo ko…
Paano nangyari ito? Sumusunod naman tayo sa mga protocol ng gobierno para hindi mahawaan ng virus. Hindi na nga natin nailalantad sa publiko ang ating mukha dahil kailangan naka-facemask at faceshield paglabas ng tahanan.
Tapos kahit takot na takot tayo sa anumang kahihinatnan matapos mabakunahan, nagpapaturok tayo para hindi na raw mahawaan ng Covid-19, magkakaroon na ng immunity sa pesteng virus.
Lahat ng ipinatutupad na protokol sumusunod tayo. Pero bakit tila wala paring katapusan ang hawaan ng virus na ito na nagsimula sa China? Everytime na bumaba ang Covid-19 cases, may lumalabas na variants. Kaya balik na naman sa quarantine. Ganun lang nang ganun, paulit-ulit.
Sa tingin ko… matatapos lang ang pandemyang ito pagkatapos ng eleksyon sa 2022, kapag bago na ang administrasyon, wala na sa puwesto ang mga opisyal ni Duterte sa Department of Health at wala nang IATF na pinatatakbo ng mga retiradong Heneral at mga dating gabinete ni Gloria Macapagal-Arroyo (GMA) na mga tainted ng corruptions.
Oo! Para matapos na ang pandemya ng virus at pan-demya ng korapsyon na pumapatay ngayon sa ating kabuhayan, sa ekonomiya ng Pilipinas, sipain sa 2022 ang mga gago sa administrasyong Duterte. Mismo!
***
Sa Lunes, Hulyo 26, isasagawa ang huling State of the National Address (SONA) ni Pangulong Duterte.
Sabi ni Senador Bong Go, ang pinaka-loyal at matagal nang alalay ni Duterte, legasiya at accomplishments ng administrasyon ang laman ng talumpati ng Pangulo.
Sabi naman ng netizens lalo ng mga kritiko ng Pangulo, tiyak puros kasinungalingan, pagmumura at pagkutya sa kanyang mga kalaban sa politika ang sasabihin ni Duterte.
Paano, anila, sasabihin ni Duterte na accomplish siya sa kanyang pangakong drug-free Philippines, zero corruptions, at magandang ekonomiya eh siya mismo ang nagsabi sa mga public address niya na malala parin ang droga, talamak parin ang korapsyon, baon na baon sa utang ang Pilipinas, at wala pa siyang natatapos sa kanyang sariling programa sa Build Build Build.
Tama! Mas malala ngayon ang droga. Kung dati’y sachet lang ang bentahan, ngayon kilo-kilo na.
Ang korapsyon ay nadoble. Walang nakukulong. Ang mga korap kapag nabuking ay inililipat lang ng puwesto.
Ang utang ng Pilipinas ay umabot na sa P13 trilyon!
Ang mga natapos na programa sa BBB ay mga dating PPP programs ni late PNoy.
Anyway, abangan natin at pakinggan ang huling SONA ni Digong sa Lunes. Tutukan!
The post Election 2022 lang ang makapagpapalaya sa Pilipinas sa pandemya appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: