Facebook

Registered foreigners, pwedeng mag-report virtually – BI

HINIKAYAT ng Bureau of Immigration (BI) ang lahat ng registered foreign nationals na samantalahin ang virtual Annual Report, na ipinakilala kamakailan sa streamline para sa reporting process.

Sa ilalim ng batas ng Pilipinas, ang dayuhan na nagtataglay ng immigrant at non-immigrant visas, na inisyuhan ng alien certificate of registration identity card (ACR I-Card) ay kailangan na iprisinta ang sarili sa ahensya sa unang 60 araw ng taon para sa annual report.

Binigyang diin ni BI Commissioner Norman Tansingco ang benepisyo ng paggamit ng virtual, dito ay magagawa ng foreign nationals na namumuhay sa bansa na gawin ang kanilang annual reporting obligations sa pamamagitan ng end-to-end online process.

Ang virtual Annual Report, ay accessible sa online services website ng BI sa https://ift.tt/XcY3A2U, nagbibigay ito ng magandang karanasan kung saan ang dayuhan ay maaaring magset-up ng appointments, magbayad, at magsumite ng kanilang reports habang nasa sarili nilang tahanan.

Sinabi ni Tansingco na ang virtual option ay layunin na mabigyan ng convenience habang namimintina ang compliance sa pamamagitan ng online registration platform.

“We encourage all eligible foreign nationals to embrace this innovation as part of our ongoing efforts to modernize our processes,” saad nito.

“These are all learnings from the pandemic. We see the need to update our procedures for it to be more accessible to more people,” dagdag pa ni Tansingco.

Ang mga applicants na pipili ng virtual reporting ay kailangan lang na magtungo sa BI’s online services para magset-up ng kanilang appointments.

Kinu-complement ng virtual annual report ang physical reporting option na available sa sa dalawang malls sa Metro Manila, maging sa iba pang tanggapan ng BI sa buong bansa.

“For those choosing the traditional route in Metro Manila, the physical Annual Report for the BI’s head office in Manila will take place at the 3rd Level Center Atrium of Robinsons Manila and the Government Service Express (GSE) Unit of SM Mall of Asia from Mondays to Fridays, excluding holidays, between 9 a.m. and 6 p.m.,” dagdag ni Tansingco.

Ang Alien Registration Division ng BI ay nag-outlined ng mga specific requirements para sa annual report, kabilang na ang completely filled-out online registration na accessible sa pamamagitan ng BI’s e-services website. Ang mga foreign nationals ay kailangan na iprisinta ang kanilang original valid Alien Certificate of Registration Identity Card (ACR I-Card) na may valid visas, at may valid passport.

May ilang grupo na exempted sa physically reporting sa BI, kabilang dito ang foreign nationals below 14 years old, mga nasa 60-anyos pataas Ang edad, mentally or physically incapacitated individuals, pregnant women, at foreigners with medical conditions. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)

The post Registered foreigners, pwedeng mag-report virtually – BI appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Registered foreigners, pwedeng mag-report virtually – BI Registered foreigners, pwedeng mag-report virtually – BI Reviewed by misfitgympal on Enero 19, 2024 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.