Facebook

Sa tulong ng Malasakit Center ni Bong Go… DESPERADONG MISTER DAHIL SA SAKIT NAGKAROON NG PAG-ASA

Ang kuwento ni Raul Dorado, 59-anyos na utility worker mula sa Dasmariñas, Cavite, ay isang halimbawa kung paano tinutulungan ng programang Malasakit Center ang mga Pilipino na may problema sa kalusugan tungo sa panibagong pag-asa.

Ang Malasakit Center ay isang inisyatiba ni Senador Christopher “Bong” Go na mabigyan ng maayos na serbisyo sa pangkalusugan ang mga Pilipino, lalo ang mahihirap.

Nagsimulang makaranas si Raul ng matinding pananakit ng tiyan noong 2016, isang kondisyon na unti-unting lumala.

“Nagsimula po itong naramdaman ko noong 2016. Tapos po, hindi ko na matiis… Pina-check up ko,” kuwento ni Raul.

Matapos ang serye ng konsultasyon ay natuklasang nahaharap si Raul sa isang nakatatakot na gamutan at pagbisita sa ospital.

“Meron pong ibang tama sa ano ko, tapos may bukol pa raw po sa bituka… Niresetahan kami ng gamot, pero wala ring lunas. Dumating na nga po sa pagkakataon na sumakit na ng sumakit. Hindi ko na matiis. Ayun, nagpadala na ako. sa ospital,” pagbabahagi niya.

Ngunit ang emosyon at pinansyal na problema ay lalong nagpabigat sa kanya at sa kanyang pamilya.

“Nagpupumilit pa rin siyang mag-trabaho kasi siyempre naaawa siya sa mga anak niya. Pero nung hindi niya na talaga kaya, tumigil na talaga siya. Kasi hindi na siya makalakad, nakahiga na lang siya eh,” ang sabi ng kanyang asawa.

Lumala ang kanilang kalagayan nang ayaw na silang palabasin ng ospital dahil sa hindi nababayarang mga bayarin.

“Ayaw pa nga po kami palabasin kasi daw hindi raw pwede na lalabas na hindi raw bayad. Eh, sabi ng doktor, hindi n’yo palalabasin yan. Mamamatay na ‘yan kapag hindi pa naoperahan,” anang ginang.

Hanggang sa dumating sa kanila ang panibagong pag-asa sa tulong ng Malasakit Center sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center sa Lungsod ng Maynila.

“Siguro kung sa akin nangyari yun na gano’n… tapos walang Malasakit (Center)… Kasi wala naman talaga akong ano, eh… pero talagang mabait ang Panginoon sa amin,” ang paliwanag ng misis ni Raul.

Binigyan ng Malasakit Center si Raul ng mga kinakailangang tulong sa kanyang pagpapaopera.

“Sabi nga nila ang Malasakit (Center) daw talaga, eh, para sa mga mahihirap. ‘Yun lang talaga ang tumutulong. At talaga pong natulungan kami,” ang kuwento ni Mrs. Dorado.

Kaya naman labis ang pasasalamat ni Raul kay Senator Go at sa Malasakit Center sa pagtulong na siya ay makabangon mula sa desperasyon sa kanyang sakit.

Ang mga Malasakit Center ay matatagpuan sa iba’t ibang ospital sa buong bansa. Layon nitong mabawasan ang pinansiyal na pasanin ng isang pasyente sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga tulong mula sa Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office.

Si Go ang pangunahing may-akda at sponsor ng Republic Act No. 11463, o Malasakit Centers Act of 2019, na nag-institutionalize sa Malasakit Centers program.

The post Sa tulong ng Malasakit Center ni Bong Go… DESPERADONG MISTER DAHIL SA SAKIT NAGKAROON NG PAG-ASA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sa tulong ng Malasakit Center ni Bong Go… DESPERADONG MISTER DAHIL SA SAKIT NAGKAROON NG PAG-ASA Sa tulong ng Malasakit Center ni Bong Go… DESPERADONG MISTER DAHIL SA SAKIT NAGKAROON NG PAG-ASA Reviewed by misfitgympal on Enero 20, 2024 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.