Ni JOVI LLOZA
MARAHIL ay tinatanaw ng utang na loob ni Erich Gonzales sa ABS-CBN kung saan ito nagsimula.
2005 nang magwagi ito sa Star Circle Quest noon at dahil dun nagkaroon na ito ng mga proyekto.
Bumida si Erich sa Katorse noong 2009 at marami pang ibang programa till now kahit pandemic ay may serye ito, ang La Vida Lena.
Naging bukambibig si Erich nang gampanan nito ang tatlong karakter sa Blood Sisters.
Kaya naman nang gumanap siyang dual role sa La Vida Lena ay maning-mani na lang sa kanya ang pag-portray ng 2 katauhan sa serye.
Minahal nga raw ni Erich ang kanyang trabaho kaya never ito nabakante.
Sa tagal na nga raw ni Erich sa Dos ay tinuring na nga niyang pangalawang tahanan niya ang Kapamilya network.
Marami siyang natutuhan at doon na nahulma sa nasabing himpilan.
May ilan nga siyang mga kasamahan na artista na nagsilipatan na.
Kaya naman nagbigay na rin ng pahayag si Erich at ayon nga sa aktres na solid ito sa Kapamilya.
Nangako itong mananatiling Kapamilya at never sa isip ang paglipat ng ibang network.
***
PARA naman maging komportable sina Zanjoe Marudo at Sue Ramirez sa ginagawa nilang serye na Broken Marriage Vow, isang pagbabawal ang ipinag-utos ng aktor para sa leading lady.
Nakasanayan na kasi ni Sue na tawagin si Zanjoe ng Kuya Z pag nagkikita.
Nahuhusayan si Zanjoe sa kanyang dalawang leading lady na sina Jodi Sta. Maria at Sue.
At magagaling nga raw ito umatake sa mga role na naatang sa kanila kaya expected na nga na lalabas na maganda ang pagsasama ng tatlo sa project.
Mag-asawa ang role na gagampanan nina Zanjoe at Sue.
Kaya naman humiling ito kay Sue na huwag na siyang tawagin na Kuya Z.
Asiwa nga raw si Zanjoe kung patuloy siyang tatawagin ni Sue ng Kuya Z dahil nga couple sila sa nasabing project.
Well, well, well…’Yun na!
The post Erich nanindigan, solid Kapamilya; Zanjoe ayaw patawag na ‘kuya’ kay Sue appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: