Facebook

Ex-MisOr mayor, pumanaw sa Covid-19

CAGAYAN DE ORO CITY – Nakaburol na ang cremated na mga labi ng former mayor na si late Rodolfo Buray sa bayan ng Gitagum, Misamis Oriental.

Sa ulat, hindi kinaya ng katawan ng biktima ang dumapong impeksyon ng Covid-19 na nanatili ng ilang araw sa pribadong pagamutan ng Cagayan de Oro City.

Inihayag ni incumbent Gitagum Mayor Emmanuel Mugot na labis ang kanilang kalungkutan sa sinapit ng dati nilang alkalde na nakapagsilbi ng tatlong termino o siyam na taon sa kanilang mga kababayan sa lugar.

Sinabi ni Mugot na maging ang maybahay ni Buray na katulad rin nito na senior citizen na ay nahawaan ng virus subali’t nakalagpas na at kasalukuyang naka-isolate bago tuluyang mabalik sa kanilang pamilya.

Magugunitang dating naninigarilyo ang yumaong dating opisyal kaya nagkaroon ito ng asmathic health concern bago dinapuan ng virus.

Namatay ang dating alkalde sa edad 76.

The post Ex-MisOr mayor, pumanaw sa Covid-19 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ex-MisOr mayor, pumanaw sa Covid-19 Ex-MisOr mayor, pumanaw sa Covid-19 Reviewed by misfitgympal on Hulyo 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.