Facebook

Grade 5 student nakapulot ng P100K ibinalik sa may-ari

HINDI nagdalawang-isip ang Grade 5 student sa Ifugao na ibalik sa may-ari ang napulot niyang pouch na naglalaman ng P100,000.

Nakita ni Denard Uy-Uyon ang pouch sa loob ng jeep habang pauwi siya ng kanilang bahay. Hindi nagpatukso ang bata at agad siyang nagpatulong sa kanyang ina na mahanap ang may-ari nito.

May ID ng may-ari sa loob ng pouch kaya mabilis nila itong naisauli.

Dahil sa katapatan at kabutihang loob, kinilala ng Department of Education Tayo Youth Formation Division Office of Ifugao si Denard sa pamamagitan ng Facebook post.

“Indeed, this young boy heard well and internalized the teachings of his parents, relatives, teachers and other mentors from other agencies. He is now a model to other children,” saad sa post.

Proud naman kay Denard ang kanyang mga magulang, matapos na ilang beses na nasangkot sa away sa kanilang barangay ang anak.

The post Grade 5 student nakapulot ng P100K ibinalik sa may-ari appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Grade 5 student nakapulot ng P100K ibinalik sa may-ari Grade 5 student nakapulot ng P100K ibinalik sa may-ari Reviewed by misfitgympal on Hulyo 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.