Facebook

Mag-asawa pinagbabaril sa Batangas: 1 nasawi

Tanauan City, Batangas – Patay ang mister at sugatan ang misis nang pagbabarilin habang natutulog sa kanilang kuwarto Huwebes ng umaga sa Barangay Sambat dito sa bayan.

Kinilala ang nasawi na si Alex Teoxon, 37 anyos, scrap collector, tubong Caramoan sa Camarines Sur; habang sugatan ang kinakasama nitong si Josephine Antiporda, 44.

Batay sa report ng pulisya, 7:30 ng umaga nang may dumating na mga lalaking nakasuot ng rain coats at pinagbabaril ang mga biktima mula sa bintana ng kuwarto.

Nasawi kaagad si Teoxon dahil sa mga tama ng bala ng kalibre .45. Sugatan naman ang misis nito sa ligaw na bala.

Mabilis na tumakas ang mga salarin patungo sa magubat na bahagi ng naturang lugar.

Narekober sa crime scene ng SOCO Team ang walong basyo ng bala at dalawang pinaputok na bala ng kalibre .45.

Kasalukuyan pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa insidente.(Jose Koi Laura)

The post Mag-asawa pinagbabaril sa Batangas: 1 nasawi appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mag-asawa pinagbabaril sa Batangas: 1 nasawi Mag-asawa pinagbabaril sa Batangas: 1 nasawi Reviewed by misfitgympal on Hulyo 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.