Facebook

Employer hinoldap at muntik pinatay ng trabahador na ‘di pinag-cash advance

ARESTADO ang isang lalaki nang holdapin at tangkain pang patayin ang kanyang employer nang tumanggi itong bigyan siya ng cash advance sa Barangay South Triangle, Quezon City, Miyerkules ng hapon.

Kinilala ang salarin na si Oliver Agdon, 25 anyos, binata, warehouseman ng Design Construction, tubong Marinduque at residente ng Waling-Wa­ling St., Bgy. Roxas District, Quezon City.

Ang biktimang employer ay kinilalang si Chenee Acuzar, 27, arkitekto, ng Sta. Maria, Bulacan.

Sa ulat, 2:45 ng hapon nang maganap ang insidente sa 18th floor ng Victoria de Morato Condominium sa Scout Borromeo St., Bgy. South Triangle.

Nauna rito, nasa loob ng kanyang tanggapan ang biktima at nagtatrabaho nang dumating si Agdon at nagka-cash advance dahil kailangan umano niya ng pera. Pero hindi pinabale ng employer ang trabahador sanhi upang magalit ito at holdapin siya at tangkain pang patayin.

Narinig ng mga security guard ang komosyon sa loob ng opisina kaya’t nasaklolohan ng mga ito ang biktima at naaresto si Agdon, na kaagad na itinurn-over sa pulisya.

The post Employer hinoldap at muntik pinatay ng trabahador na ‘di pinag-cash advance appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Employer hinoldap at muntik pinatay ng trabahador na ‘di pinag-cash advance Employer hinoldap at muntik pinatay ng trabahador na ‘di pinag-cash advance Reviewed by misfitgympal on Hulyo 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.