Facebook

Negosyante kulong sa panunuhol sa LTO enforcer

LEGAZPI CITY – Hindi na nakapalag ang isang negosyante nang posasan ng mga operatiba ng Land Transportation Office-Bicol (LTO) at mga pulis sa entrapment operation sa harap ng LTO office sa Diversion Road, Barangay Cabid-an, East District, Sorsogon City.

Nakipagkita si Sabrina Escarda, 46 anyos, sa LTO Patrol Officer na si Joshua John Sanchez, 26, upang iabot ang perang “padulas” para sa pagpapadali ng pag-release ng van at driver’s license ng negosyante.

Ayon kay LTO Sorsogon chief Grace Rojas, na-impound ang naturang van at kinumpiska ang lisensya ng driver dahil sa franchise-related violations.

Agad namang pinaaksyunan ni LTO Bicol Asst. Regional Director Vincent Nato ang impormasyon kung saan matagumpay na naaresto si Escarda.

Kasamang nakumpiska ang suhol na P65,000 na ibinalot pa sa baby wipes at kaha ng sigarilyo kapalit ng tatlong driver’s license at tatlong plaka ng hinuling colorum vans.

Umaasa si Rojas na sa pamamagitan nito, ma-boost ang morale ng iba pang LTO enforcers habang tuloy rin ang asuntong kakaharapin ni Escarda.

The post Negosyante kulong sa panunuhol sa LTO enforcer appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Negosyante kulong sa panunuhol sa LTO enforcer Negosyante kulong sa panunuhol sa LTO enforcer Reviewed by misfitgympal on Hulyo 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.