Facebook

DUKTOR TINODAS SA JOGGING!

NASAWI ang isang doctor at may-ari ng hospital nang pagbabarilin habang nagdya- jogging sa Pikit, North Cotabato, Huwebes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Dr. Robert Cadulong, may- ari ng Cadulong Medical Hospital sa Barangay Poblacion sa Pikit.

Ayon kay Major Mautin Pangandigan, 5:00 ng umaga nang maganap ang pamamaril sa Bgy. Poblacion.

Sa ulat, nagdya-jogging ang biktima nang sumulpot ang dalawang lalaki na sakay sa isang motorsiklo at walang sabi-sabing pinagbabaril ang duktor.

Agad namang dinala ang biktima sa pagamutan nguni’t hindi ito umabot ng buhay.

Ang mga salarin ay nakasuot ng facemask, itim na jacket at helmet na tumakas patungo sa direksyo ng Pagalungan, Maguindanao.

Nakakuha sa lugar ng pinangyarihan ng krimen ng ilang basyo ng bala ng caliber .45.

Nagsasagawa ng imbestigasyon sa insidente ang mga otoridad.(Mark Obleada)

The post DUKTOR TINODAS SA JOGGING! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
DUKTOR TINODAS SA JOGGING! DUKTOR TINODAS SA JOGGING! Reviewed by misfitgympal on Hulyo 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.