Facebook

Maling bangkay ibinigay ng ospital, naipalibing ng ibang pamilya

SA gitna ng pagluluksa, hindi napigilan ng isang pamilya ang madismaya sa isang pribadong ospital nang maling bangkay ng pumanaw na kaanak ang ibinigay sa kanila at naipalibing sa San Fernando, Pampanga.

Sa ulat, dinala ng pamilya Pasion nitong Sabado sa ospital ang 75-anyos na si Lolo Benigno. Pero pagdating sa ospital ay binawian na ng buhay ang matanda at kaagad na ipinalibing dahil positibo umano ito sa Covid-19.

Ngunit matapos na mailibing, laking gulat ng pamilya nang makatanggap sila ng mensahe mula sa pagamutan na hindi muna pinangalanan para ipaalam na maling bangkay ang naibigay sa kanila.

Gayunman, ibinahagi nila ang palitan ng text message sa pamilya Pasion, na makikitang humingi sila ng paumanhin sa nangyari at nangako silang aayusin ang naging problema.

Nagpaabot din ng pakikiramay sa pamilya ang pasyenteng namayapa.

Ayon sa apo ni Benigno, handa silang makipagtulungan sa ospital para makuha ang tunay na labi ng kanilang lolo.

“Willing naman kami na gawin yung gusto nilang hakbang na ibalik namin yung [bangkay] tapos kunin namin ‘yung lolo namin. Ilagay namin doon sa kung saan ‘yung pinaglibingan niya,” ayon kay Nico Guinto.

The post Maling bangkay ibinigay ng ospital, naipalibing ng ibang pamilya appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Maling bangkay ibinigay ng ospital, naipalibing ng ibang pamilya Maling bangkay ibinigay ng ospital, naipalibing ng ibang pamilya Reviewed by misfitgympal on Hulyo 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.