HINATULAN ng Supreme Court (SC) ang isang employer ng kasambahay na si Bonita Baran ng hanggang 40 taon pagkakakulong dahil sa ‘serious illegal detention’.
Sa resolusyon na may petsang February 10, nadiskubre ng SC Second Division na ‘guilty’ si Reynold Marzan bilang pangunahing akusado sa kaso.
Binago ng SC ang desisyon ng Court of Appeals at Quezon City Regional Trial Court Branch 77 na nagsasabing si Marzan ay kasabwat lang ng kanyang asawa na si Anna Liza sa krimen na hinatulan lang ng 8 hanggang 14 pagkakakulong noong 2017.
Ayon sa SC, si Reynold ay hindi “innocent bystander” sa kaso, dahil hindi lang nito alam ang paulit-ulit na pagkulong ni Anna Liza kay Bonita sa loob ng kwarto sa kanilang bahay, kundi maging siya ay ikinakandado ang main door ng bahay.
Kaugnay nito, ipinag-utos rin ng SC kay Marzan na bayaran si Baran ng P75,000 para sa bawat moral at exemplary damages maging ang ‘civil indemnity’.
Ang naturang halaga ay may interest na 6% per annum mula sa finality ng resolusyon hanggang sa ma-fully paid.
The post 40 taon kulong sa among nagmaltrato sa kasambahay appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: