Facebook

6 PATAY SA SALPUKAN NG VAN AT TRAK

TAGKAWAYAN, Quezon – Patay ang anim na pasahero ng isang van at tatlo ang sugatan nang sumalpok sa kasalubong na trailer truck nitong Martes (July 13) ng madaling araw.

Dead on the spot sina Ron Aldwin Cortez, driver ng van; Sergie Victor France Reyes; Maria Thalia Floresca, Agnes Amaro, Rommel Galupar at John Robert De Ocampo. Sugatan naman sina Fatima Martinez, Raymund Froivel at Joel Badiola.

Nangyari ang insidente sa Quirino highway sa Barangay San Vicente 2:00 ng madaling araw.
Ayon sa report, galing sa Maynila ang van na patungo sa Bicol lulan ang siyam na tao kabilang ang driver. Ang trailer truck naman ay nanggaling sa Naga City at patungong Cavite.

Sa tindi ng salpukan, nawasak at parang nilukot na papel ang unahan ng van.

Naging pahirapan ang rescue operation ng Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office (MDRRMO) at Bureau of Fire Protection-Tagkawayan dahil naipit ang mga biktima sa loob ng van. Gumamit pa ng extrication machine ang mga rescuer.

Kuwento ng dalawang nakaligtas, nakaupo sila sa likod na dulong bahagi ng van. Pag-alis palang ng Maynila ay napansin na nilang may ka-video call ang driver habang nagmamaneho. Sobrang bilis din ng kanilang takbo at ilang beses pa na muntik maaksidente.

Bago mangyari ang aksidente ay may katawagan parin sa telepono ang driver. Inamin din ng pasaherong nakaligtas na namamasada ang van at nagbayad sila ng pamasahe.

Ayon sa driver ng trailer truck na si Arjay Brito, mabagal ang takbo niya nang sumalubong sa kanya ang van. Sinubukan pa aniyang igilid ang trak subali’t inabot parin siya ng van.
Inaalam pa ang pagkaka-kilanlan ng ibang biktima.

The post 6 PATAY SA SALPUKAN NG VAN AT TRAK appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
6 PATAY SA SALPUKAN NG VAN AT TRAK 6 PATAY SA SALPUKAN NG VAN AT TRAK Reviewed by misfitgympal on Hulyo 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.