TINATAYANG aabot sa 171 volcanic earthquakes ang naitala sa patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Taal sa nakalipas na 24-oras iniulat kahapon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Nabatid sa Phivolcs bukod sa pagyanig naitala rin ang high level of volcanic sulfur dioxide o SO2 gas emissions at pagbuga ng abo na may taas na 1,500 meter mula sa bunganga ng bulkan.
Ayon pa sa Phivolcs na patuloy na nakataas sa alert level 3 ang Bulkang Taal at patuloy sa banta ng pagsabog ang bulkan.
Kaugnay nito pinaalalahanan ng Phivolcs ang publiko na ang Bulkang Taal ay nasa ilalim ng Permanent Danger Zone (PDZ) at ang buong isla ay nasa panganib ng pagsabog kabilang na ang high-rish barangay na nakapaligid nito gaya ng Brgy. Agoncillo at Laurel.
Pinaalalahanan din ang mga barangay na malapit sa bulkan dahil sa banta ng pyroclastic density currents at volcanic tsunami at banta ng pagsabog.
Mahigpit din ipinagbabawal ang mga aktibidad malapit sa bulkan dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Taal at nagbabala sa mga residente malapit sa bulkan na maging mapagbantay sa posibleng paghahanda ng evacuation kung kinakailangan.
Kaugnay nito pinaalalahanan din ng Phivolcs ang Civil aviation authorities na payuhan ang kanilang mga piloto na iwasan magpalipad ng eroplano malapit sa Bulkang Taal dahil sa banta ng pagbuga ng abo at pyroclastic density na maaaring makasama sa mga eroplano.
Ang Bulkang Taal ay itinuturing na aktibong bulkan dahil sa mga nakalipas na pag-aalburoto nito. (Boy Celario)
The post Bulkang Taal nakapagtala ng 171 volcanic earthquake appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: