TINANGGAL na ng World Health Organization (WHO) ang klasipikasyon ng P.3 o ang COVID-19 variant na unang natukoy sa Pilipinas, bilang ‘variant of interest (VOI) at sa halip ay ibinaba sa ‘alert for further monitoring’.
Matatandaang ang P.3 ay nailagay na VOI noong Marso 24 ngunit naibaba ang klasipikasyon nito noong Hulyo 6 dahil na rin sa pagbaba ng mga natutukoy na kaso nito ng mga nagdaang araw.
Sinabi ni National Institute of Health (NIH) executive director Dr. Eva Maria Cutiongco-de la Paz, nasa kabuuang 269 kaso lamang ng P.3 mula sa 14 na bansa lamang ang natukoy.
Sa Pilipinas, may kabuuang 166 kaso ng P.3 variant na natukoy at karamihan nito ay sa Central Visayas.
Nabatid na unang na-monitor noong Pebrero na dalawang mutation ng virus sa Region 7.
Noong nakaraang buwan naman, pinalitan ito ng pangalan ng WHO at ginawang “Theta” matapos na muli nilang ireklasipika ang mga COVID-19 variants.
Paglilinaw naman ng WHO, maaari muling ireklasipika ang mga variants ng COVID-19 kung magkakaroon muli ito ng mutation at maging mas mapanganib pa ang mga ito. (Andi Garcia)
The post WHO inalis na ang Phl variant ng COVID-19 sa ‘variant of interest’ appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: